everyday's a blessing

you're never a failure until you've lost the lesson Romans 8:28

“Antok-antok Asan Ka Naba?” July 23, 2011

Filed under: Uncategorized — everyday's a blessing @ 8:13 am

“Antok-antok Asan Kana?”-July 23, 2011 11:16 am Room 303-Airport Road Auh UAE

pero mahal nga ba ako ng antok ngayon?

Gising na ako alas-siyete palang ng umaga kahapon. Biyernes rito, araw ng Pag-samba para sa mga taga Gitnang Silangan.

Maaga palang ay naghanda na ako para sa aming pananambahan. Hinanda ang kawatang-ispiritwal, gayundin ang lupang kawatan. Nag-ehersisyo saglit at nagbihis papunta ng Simbahan.

Tanghaling-tapat na halos natapos ang pag-samba. Kumain saglit sa isang mamahaling kainan rito na kung tawagin ay “Biyernes” o sa ingles ay “Fridays”. salamat sa kabutihang loob ng aking kaibigan, ako’y madalas na binabahagihan ng kanyang pagpapala.

salamat Oh Diyos sa Biyernes

Hapon. Nainis ako. Hindi ko ito pinagmamalaki. Ngunit tao lang naman para masaktan lalo pa’t para bang hindi patas ang buhay. Umiyak. Humingi ng payo sa mga kaibigan. Nagsulat. Nagbulay-bulay.

Dahil sa sakit ng aking mata, gawa narin ng matinding pag-iyak, nakatulog ako. Siguro, halos dalawang oras lang.

Ala-sais na ng gabi ng magising ako.

Simula nun, gising na ako. =(

Hindi ako ganito. Madalas nga ay bansagan akong “MT” nung ako ay nasa kolehiyo. Kung san man ako masandal, tulog! Ano mang posisyon, ano mang oras or san mang lugar, walang pinipili ang aking antok.

Ngunit bakit di ako dalawin ng antok ngayon? Antok- antok, asan ka naba?

Nakakailang palit na ako ng posisyon. Higit pa siguro sa aming mga pasyente na tinatagilid tuwing dalawang oras. Halos tuwing ika-15 minuto na akong umiikot sa higaan. Padapa, pahiga, sa kaliwa o kanan. Patay-sindi sa ilaw at “AC”. Tanggal-balik sa kumot at unan. Yakap-bitaw sa mga malalambot kong laruan.

Pero wala parin. haaayyyyy….. higit pa sa malalim na buntong hininga.

Nagdasal narin ako. Nawa’y walang napapasama sa mga mahal ko sa Pinas. Tinawagan ko narin sila. Ayos naman, awa ng Diyos.

Nakapaglaba narin ako at nakapagtupi ng natuyong damit.

Nakabilang na ng libu-libong tupa. Pero wala parin.

Sabi ni Caloy, uminom raw ako ng mainit na gatas. Kaya kahit na tamad na tamad akong magpainit ng tubig, sige lang. Desperadong makatulog e.

Nido

tinimplang mainit na gatas.

Kung pwede lang magmakaawa sa gatas upang siya’y maging mabisa ginawa ko na. Kaso simo’t na’t lahat, wala parin. Gising na gising parin ako.

simut na simot ang gatas.

Naala ko tuloy ang mensahe ng aming butihing Pastor Ed Lapiz.  ito’y kanyang pinamagatang “Help Me Make It Trough The Night”.

http://www.ustream.tv/recorded/4712118

Makapakinig na nga lang muna. Siguro maya-maya rin ay dadalaw na si antok.

Sana…..

PS: Cherrylyn Wong: ganito pala ang pakiramdam ng di nakakatulog? Buti kapa, nakasanayan mo na siya.=(

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s