everyday's a blessing

you're never a failure until you've lost the lesson Romans 8:28

“E Ano Kung Sigurista Ako?” July 23, 2011

Filed under: Uncategorized — everyday's a blessing @ 12:13 pm

“E Ano Kung Sigurista Ako?”-Hulyo 23, 2011 15:07. Room 303 Airport Road Auh UAE

akalain mong meron pala sa yahoo ang salitang "sigurista"?

Noong bata pa ako, madalas akong sabihan ng aking Ama, na ako daw ay “sigurista”. Bata palang ay palaimpok na ako ng pera. Nag-iipon ako mula sa aking mga baon at sa paunti-unting pagtitinda ng kung anu-ano sa aking mga kapatid at ka-eskwela. Di ko nga halos maisip na mayroon din pala akong talento sa “business” o sa “entrepreneur” noon.

Madalas ay hindi ako palalamang sa mga kapatid ko. Kadalasan din ay pinapagalitan ako ng aking Ama sapagkat kahit pisong utang ay di ko pinapalampas. Lahat sinisingil ko; lahat ng nakasulat sa maliit kong kwaderno.

“Accountant” rin pala ako noon. Nakatala ang bawat mga gastusin ko at ipon. Takot akong mawalan ng pera. Madalas nga noon ay umuutang pa sakin ang aking Ina sa tuwing nag-kakaaberya sa padalang “remittances” ng aking Ama. Daig ko pa noon ang mga langgam kung mag-ipon.

Dala-dala ko ang nakasanayang yun mula sa aking pagtanda. Ngunit hindi  ako lumala. Mas naging bukas ako sa mga posibilidad na di ko mababalanse ang aking “ledger”. Yan ang isa sa maraming naituro ni Oble sakin; ang mas maging handa sa anumang mga tadhanang ibibigay ng buhay.

Ngunit ano nga ba ang masama sa pagiging “sigurista”. Hindi ba’t tama lang na sa ating mga gagawing yapak ay dapat tayo ay sigurado?  Na ang ating mga desisyon ay dapat ayon sa mahabang pagbubulay-bulay at hindi sa madaliang kaisipan lamang?

Minsan ay bumili ako ng “balikbayan-box”. Ngunit dahil hindi ko magawang ihambing ng husto kung sino ang mas malaki? (Makati Express or LBC), ninais kong magpadeliver muli sa ibang kompanya. Gumastos uli ako? OO. Nag-effort? OO. Ayos naman, ang importate sigurado ako. Sayang naman ang malalaman ng karton hindi ba? Lalo pa’t hindi basta basta ang layo ng destinasyon nito at hindi rin biro ang presyo.

Ngayon, alam ko na kung san ako mas makakatipid, kung saan ang mas sulit.

lbc box

box mula sa makati express cargo

Mahirap magkamali, ika nga nila. Lalo pa’t madalas ay sa bawat kabiguan hindi lang ikaw ang masasaktan, bagkos ay madadamay pa ang mga mahal mo sa buhay o ang mga taong di dapat masali sa sitwasyon.

Gayundin sa pag-aasawa. Mahirap ng magkamali. Habang buhay mo itong dadalhin at pagsisihan kung sa una palang di tama ang iyong ginawa. Sabihin na nating uso na ang “annulment”, “divorce” or “legal separation”. Pero hindi ba’t sa bawat nasirang relasyon ay di lang ikaw ang damay? Ma-da-ming tao ang apektado. Higit na mahirap kung may nga supling pang walang kamuwang muwang at kamalay-malay. Sa ayaw mo’t sa gusto, itanggi mo man ang katotohanan, da-may sila!

Kaya mas mabuti nalang ang “huminto” saglit. Mag-isip ng marami pang beses.

E Ano Kung Sigurista Ako? Sinisigurado ko lang na sa huli di na ako uli iiyak.

“Panginoon, gabayan Niyo po ako dahil alam ko pong hindi lamang pagbabago ng estado ang pag-papamilya; ito’y pagpasok sa bago at mahirap na responsibilidad at pagtatalaga ng sarili sa taong ibang-iba kaysa sa akin. Patnubayan Niyo ako sapagakat ang pag-ibig ay hindi lamang damdamin o sagot sa kalungkutan at pag-iisa kundi isang pangako’t desisyon. Tulungan Niyo pong makapag-asawa ako sa tamang dahilan, sa karapat dapat na nilalang at sa tamang panahon. Amen.”

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s