everyday's a blessing

you're never a failure until you've lost the lesson Romans 8:28

Pera Pera San Ka Nga Ba Napunta? March 24, 2012

Filed under: Uncategorized — everyday's a blessing @ 1:17 am

Pera Pera, San Ka Nga Ba Napunta?  Silid 303 Airport Road Auh. 23 Marso 2012 21:58

Buhay nga naman, may “twists and turns”. Kanina lang, natuwa ako kasi napangiti ko’t napasaya (kasama ng aking pang dalawang katrabaho) ang isa sa pinaka mahirap pasayahin na pasyente’t pamilya sa aming unit. Tunay nga na pag nilalapit sa Diyos, kahit na ang simpleng “home visits” at “day out” o “out -on-pass” ng mga pasyente ay nagiging extra ordinary na experiences para sa kanila. Salamat Ama!

“High” na sana ako. Ganun naman kasi ako, mababaw na tao. Madaling makuntento, madaling maka-appreciate, mapagpasalamat. Kaso, ngayong gabi ring to, matapos ang isang argumento, napaisip ako……

Pera Pera San Ka Nga Ba Napunta?

Simula nung akoy mangibang bayan,ngayon lang talaga nag “sink-in” sakin, san nga ba napupunta ang kinikita ko? Alam kong malayo ang laki nito kumpara sa kakarampot kong naiipon sa Pinas. Pero bakit parang pareho lang. Hanggang ngayon, parang wala paring natitira para sa sarili ko.

Ayan, ako tuloy si accountant, nagsimula ng mag-kalkula.

Kwenta! Kwenta! Kwenta!

Ayun! dun naman pala napupunta. Sa kanya, sa kanila. Sa mga proyektong para sa kanya at sa kanila.

Wala naman sanang masama, masaya naman akong magbigay kahit na wala pang matira para sakin. Isasantabi ko ang mga pangarap na iphone, blackberry o ipad man.Natutuwa na kasi ako, makita lang silang masaya, umaasenso o gumiginhawa..

Ang akin lang, di rin masamang maging mababaw sana sila; na kagaya ko, sa simpleng natatanggap sana, matuto silang makuntento’t matuwa. Yun lang sana.

 

…..haayyy unang post ko pa mandin ito sa taong ito….ninais kong magsulat ng mga bagay na magaganda. pero sadyang ganun talaga, hindi laging puro tungkol sa “saya”. dahil kahit sa mga “hikbi’t hinagpis, may mga aral ding mapapala.

 

2 Responses to “Pera Pera San Ka Nga Ba Napunta?”

  1. excelle tacsuan Says:

    i agree che. we have that spirit and joy of giving, but some take advantage of that gift that we have. kaya lets always pray for discernment bec we do not always know whats in their heart. only God knows. ang masakit,that special gift that we have is most of the times taken for granted even for people we expect to appreciate us – forgetting to say just the word “thanks” which means so much for us.anyway cheer up! God knows your heart , so be happy always.

  2. thank you tita! =) ive been keeping it to myself pero yun, i was full and i had no better way to express what i feel than to put it into writing. i have no intention of hurting them. all i want is for them to know how im feeling so next time they will know how to respond.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s