everyday's a blessing

you're never a failure until you've lost the lesson Romans 8:28

Kilig April 18, 2012


Kilig. Abril 17, 2012 Silid 303 Abu Dhabi Gitnang Silangan

“Cramming mode” dapat ako ngayon, ngunit hindi ko lang talaga mapigilang ipost ang kantang to sapagkat sa oras na ito, na ako’y antok at sobrang pagod sa natapos na trabaho ay nagkaroon ng dahilan upang ako’y mapangti at oo, mapakilig.

Isa ito sa mga naging kanta sa aming kasal. Kung hindi ako nagkakamali ito ang aking naging bridal march na kinanta mismo ng composer at singer na si Arnel De Pano. Nakakatuwa lang kung pano kumilos ang Diyos sa aming kasal noon, at hindi namin lubos akalin na ang prestiyosong si Arnel mismo ang aming magiging tagakanta at sasabayan pa ng orkestra. Tunay nga na walang ibang pwedeng purihin kundi ang Diyos at ang mga taong ginamit Niya upang maging matagumpay ang aming pag-iisang dibdib.

Pero sabi nga nila, hindi sukatan ang kasal, gaano man ito kagarbo o kaspecial upang maging matatag ang isang pagsasama. Tama! Hindi kaila na lahat ng  mag-asawa ay dumaraan sa mga pagsubok at maging kami ay hindi exempted. Naranasan at nararanasan narin namin yan lalo na sa mga panahong ito na kami ay magkalayo. Sa dahilang iyon, ay lalo ko pang kinakailangang panghawakan ang mga pangakong binitiwan hindi lang sa aking mahal kundi sa Diyos na aming naging unang saksi.

Mahirap kung sa mahirap, ngunit alam kong gagawa at gagawa ang Diyos ng maraming kaparaanan upang maituwid ang ano mang mali kong pag-iisip at maling nararamdaman; iaayos at iaayos Niya ang aming pagsama. Kaya sa tuwing kami ay susubukan, magpapakatatag ako’t mananalangin. At oo, maganda sigurong ideya ang muli ay pakinggan ang kantang ito sapagkat wala na kong ibang ninais kundi Ang Pag-ibig Ko.

Ang Pag-ibig Ko_Arnel De Pano

Ang pag-ibig kong ito

Habang buhay wagas at totoo

Laan lamang sayo mahal

Ang pag-ibig ko

Ang pangako sa iyo

Sayo lamang ang puso’t buhay ko

Kaisang diwa ng buhay mo

Ang pangako ko

Kayrami nga ng tala sa langit

Ngunit laan kang tangi sa akin

Handog ka ng Maykapal sa buhay ko giliw

Habang buhay kita’y mamahalin

Ang pag-ibig kong ito

Minsan lamang hanggang sa pagyao

Maging doo’y sayo mahal

Ang pagibig ko

Kayrami nga ng tala sa langit

Ngunit laan kang tangi sa akin

Handog ka ng Maykapal sa buhay ko giliw

Habang buhay kita’y mamahalin

Ikaw ang siyang sukdulan ng pagibig ko giliw

Kaisang puso, kaisang isip,

Kaisipang dibdib, kaisang langit

Ang pag-ibig kong ito

Habang buhay wagas at totoo

Laan lamang sayo mahal

Ang pag-ibig ko

*Salamat oh Diyos sa espesyal Mong regalo, ang aking kabiyak.


 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s